teorya batay sa batas ng radyasyon ni Planck na nagsasaad na nagaganap sa hindi dumadaming kantidad ang pagbabago sa enerhiya ng mga atom at mga molecule at mahalagang multiple ng batayang kantidad o quantum ang bawat isa
bílang ng mga positibong karga o proton sa nukleus ng atom ng isang element, samakatwid, bílang ng mga elektron na karaniwang nakapaligid sa nukleus
quantum optics (kwán•tum óp•tiks)
:
sangay ng optika na tumatalakay sa liwanag bílang daloy ng mga photon, nagtataglay ang bawat isa ng enerhiyang quantum na proporsiyonado sa dalásan ng liwanag kung itinuturing itong alon ng mosyon
negative number (né•ga•tív nám•ber)
:
bílang na higit na mababà sa zero
quantum mechanics (kwán•tum me•kán•iks)
:
sangay ng mekanika na magagamit sa sistema sa atomika at nuklear na antas at binu-buo ng hindi relatibistikong quantum, relatibistikong quantum, at quantum field theory
quantum field theory (kwán•tum fild thi•ó•ri)
:
teorya para sa sistema ng mga nalilikha at nasisi-ràng particle
international standard book number (ín•ter•ná•syo•nál is•tán•dard buk nám•ber)
:
ang sampung digit na bílang, itinatakda sa bawat aklat bago ang paglalathala, at batay ang mga numero sa wika, tagalathala, at pook na pinagmulan ng aklat